Nagmumuni-muni ako habang inaantay kong datnan ako ng antok. Susme, pahirapan naman kasi ngayon sa pag huli ng good timing para makatulog ng mahimbing. Kelangan, pakanta-kanta muna ako para makatulog ang bebe ko sa tyan at ng makatulog nadin sya. Buti nalang kahit anong kanta e wala syang reklamo. Yung iba kc lalo daw maninipa pag ayaw ung kanta or wala ka sa tono ng kanta. Bwahha…

Mabalik tayo sa aking pagmumuni-muni; hayun na nga ang utak ko’y kusang naglakbay sa nakalipas, diko alam bat yun pa ang napili nyang balikan sa dinami-dami nman na pwedeng balikan. Susme, yun pa nman ang nakaraan kona kung pwede kolang burahin ng liquid paper e ginawa kona.

Tandang-tanda ko e Grade four ako nun. Araw-araw e meron syempreng Flag Ceremony. Bayang magiliw, panatang makabayan at pilipinas kong mahal ang nasa program everyday. Parang di ata ako nag breakfast nung araw nayun kaya nung nakanta na kami ng ating Pambansang awit e medyo hilo-hilo na ang pakiramdam ko. Pero ang gandang timing pare nung nasa huling linya na kami ng kanta “Ang Mamatay ng dahil Sayo”, ako ay biglang natumba, na black-out, nawalan ng malay o kung ano mang tawag dun.

O syempre ako ay dagli dagling dinala sa Clinic o classroom lang ata. Hatak-hatak nila ako dahil sa sobrang bigat ko at ako’y pinainom ng mild hot Milo… weeeeeeee ang sarap kaya nun. Iniisip ko kung araw araw akong mahihilo me libre akong chocolate milk everyday. Nyhahah… Hayun ininterbyu ako nung akoy nagkamalay na. ‘Di daw ba ako nakain ng breakfast? Ang naalala ko e nakatulala lang ako at ako’y hilong-hilo. At ako’y pinauwi sa bahay ng aking Lola na katabi lang ng school after a while.

Ayaw kong balikan ang nangyaring yun kasi me isa akong klasmate na everytime makikita ako e pinapaalala nya ang nangyaring yun. Kinakantahan ako ng “Ang mamatay ng dahil Sayo”. Hanggang Highschool e tinutukso ako… uwaaaaaa… Gustong gusto ko tlga syang sapukin, kc sya lang ang taong me magic memory at hindi maalis alis sa isipan nya ang nangyaring yun. Hay… Buti nalng e yung mga me crush sakin e hindi na turn-off… bwhehhe…


Leave a Comment