The beginning

Pang ilang blog kona ba ito? Bakit di ako nagsasawa? Bakit sulat ako ng sulat ng mga bagay ng tila wala namang katuturan? Gagi, dika nga sure kung me magbabasa o balak magbasa nito e! di kaya nagsasayang ka ng space sa www? Putek libre nman why not diba?

Isang araw madidiscover din ng kusa ang site na ito, ng mga tao.. kundi tao ng mga ipis, ng daga, ng sawa, kulugo at kung ano-ano pa. Kung wala talgang pag-asa edi tepokin nalang natin diba? Ke dali dali namang gawin nun. O malamang sa malamang ang wordpress na ang kusang mang tepok nito… hehehe…

Oh eh bakit ngaba naisipan kong magtayo ulit ng liga este ng open ng site dito sa wordpress? Obcurs, libre… malamang sa malamang isang araw magsasawa ako sa yearly payment ng aking website at matitigok din sya isang araw ne?

At least me pang back-up ako… yihiiii.. ang tibay ng baga kone? Magugulat ka nalang kasing bigla, me charge ka ng ganitong amount sa account mo tapos dalwang linggo namang down ang site mo.. diba peste.

Sige, dadalasan ko nalang ang pag post dito para incase ma tepok at least nagkasilbi!


Leave a Comment